Monday, September 23, 2019

Play Review - Ang Apologia ni Sokrates


Ang Apologia ni Sokrates

Play Review by Ana Sophia Andrada




I. PLAY INFORMATION
  • Watched in the DOREEN BLACK BOX OF ARETE campus of ATENEO DE MANILA UNIVERSITY  on September 17th, 2019
  • The actors are from the Philosophy Department of the University
  • A THEATRICAL PLAY based on the Socratic Dialogue written by philosopher Plato, "The Apology "
  • Translated by: Padre Roque Ferriols, SJ
  • Directed by: Jovi Miroy

II. MAIN CHARACTERS

1. Ron Capinding as Sokrates
- Socrates is a phenomenal Philosopher from the Athenian period, known for his incredible teaching skills and considered the Wisest Man because he admitted to knowing nothing. In the play, his final moments are shown, along with the narration of his Philosophy and its impact to the people of Athens. His famous saying is, "Ang buhay na hindi isinasaliksik ay hindi buhay tao." ("The unexamined life is not worth living.")

2. Miletus
- Miletus is the ruler of Athens during the period of Socrates's death. He was the one who ordered that Socrates's should be killed for his Philosophy offends his beliefs.   

3. Young Man
 - this character was never in the dialogues written by Plato. He is added to the cast to mirror and to give the play a representation of modern times. He was going through a true-to-life situation wherein he wants to kill himself. Through the play, Socrates taught him a timeless life lesson.

III. SYNOPSIS
     There was a young man in the modern age who is struggling with life. He wanted to commit suicide, and was feeling so unworthy enough to make him not scared of death and nothing could make him think otherwise. 
     Socrates was a very wise Philosopher who answered all questions thrown at him with valid reasoning. He taught everyone all that he knew and expressed humility in those that he didn't. He was sentenced to death by the then ruler of Athens, Miletus, for 3 reasons: teaching false doctrines, impiety, and corrupting the youth. He explained himself one more time to *hopefully* convince the people to think that he should not be killed, because the final verdict depended on the number of votes of the people. In the end, he still was sentenced to death.
     Going back to the young man, while Socrates was defending his stand and professing his love for Philosophy to everyone, he also answered the question to if suicide is acceptable. The young man was there in the scene, asking him that. Socrates answered him convincingly that his view is wrong, and convinced the young man to look at the picture in a different perspective. 
   Socrates was given the chance to escape his punishment, but it meant giving up Philosophy forever. He did not take this opportunity. He drank the hemlock, symbolizing his passion, love, and loyalty to Philosophy.

IV. GUIDE QUESTIONS


a. Sino si Socrates? Paano siya isinalarawan sa dula (itsura, katangian, kaisipan, at ugali) na iyong pinanood?
    
      Sagot: Si Socrates ay isang Pilosopo sa panahon ng Athenian Period. Tinagurian siyang pinakamatalinong nilalang dahil sa pag-amin niyang wala siyang alam, kilala siya ng marami bilang isang magaling na guro dahil sa pagsagot niya sa mga katanungan gamit ang mga wastong depinisyon. Dahil sa pamamaraan niyang ito, agad at madaling pinaniniwalaan ng kanyang mga kausap ang mga pinagsasabi niya.
     Sa dula, ipinakita ang kwento ng kanyang huling mga sandali, at ang pangangatwiran niya sa lahat ng mga bagay. Siya ay isang nilalang na halos may-edad na at may malaking pangangatawan. Tapos may suot siyang kwintas na panigurado ay malaking kabuluhan sa kanyang buhay. 

b. Anong pangyayari o usapan sa dula ang tumalab sa iyo? Bakit? Mayroon bang kaisipan o aral mula sa ating klase sa Pilosopiya na iyong naalala na konektado sa iyong napanood na dula? Paano at Bakit?

     Sagot: Sa pagnood ko ng dula na iyon, namulat ako sa maraming bagay. Yung pinakasikat na kasabihan ni Socrates, "Ang buhay na hindi isinasaliksik ay hindi buhay tao", ay paulit ulit na binanggit. Ito ay nagsasabi na dapat natin kilalanin ang ating sarili at madalas na magreflect sa mga ginagawa at sinasabi natin dahil ito ay magreresulta sa makabuluhang buhay. Naniniwala akong isa dapat ito sa mga "words to live by" ng mga tao para maalala nating ang mga kagagawan at kasabihan natin ay gumagawa ng impact sa mundo, maging sa buhay rin ng kapuwa.
         Isa pang kasabihan sa dula na tumatak sakin ay yung debate tungkol sa pagpapakamatay, kung tama ba ito o mali. Para sa mga gustong magpakamatay, paraan nila ito para mawala lahat ng pagod, kalungkutan, at sakit na nararamdaman nila na dulot ng pagiging buhay sa mundo. Sa pamamagitan ng kamatayan, makakapagsimula ulit sila ng panibago. Ang kasagutan ni Socrates dito ay walang nakakasigurado kung may bagong panimula pagkatapos ng kamatayan, walang kasiguraduhan kung matatapos na doon ang pagod, lungkot, at sakit, na malay natin sa kabilang buhay pala ay mas matindi ang mga pagsubok na kailangan lagpasan. Walang nakakaalam ng mangyayari dahil wala namang tao ang bumalik na pagkatapos nilang mamatay, kaya hindi ba mas mabuti nang manatili dito sa mundo na kung saan alam natin ang nagdudulot ng sakit sa atin? kesa na tumungo tayo sa daan na walang nakakaalam at hindi na pwedeng bumalik.
     Isa siguro sa mga pangyayari na pinakamay-kabuluhan para sa akin ay ang mga binintang ni Meletus kay Socrates. Nakita ko na ang pinakadahilan na kung bakit nila ipapatay si Socrates ay dahil hindi nila tanggap na tama ang mga tanaw ni Socrates sa lahat ng bagay, hindi nila matanggap ang wastong pangangatwiran ni Socrates. Sila ay may kaisipan na ang dapat masusunod ay ang may awtoridad, ang mga sikat, at iba pa, at ang dapat lamang paniwalaan ay ang mga turo ng kanilang mga ninuno, kahit na walang mga argumento na sumusuporta sa mga ito. Kung susundin natin ang gusto nila Meletus, na ang ating paniniwala ay dapat naaayon lang sa mga turo noong unang panahon, balewala ang mga bagong natutuklasan, at mga agham. Mabubuhay tayo nang walang kaalam-alam sa katotohanan. Ang pawang layunin lamang ni Socrates ay mulatin ang bawat isa sa katotohanan na may pangangatwiran. Hindi tama ang pagpatay sa kanya sa ganung kadahilanan. 
     Isa naalala ko ay yung kwento na maaring natakasan ni Socrates ang parusa ng kamatayan ngunit hindi niya ito ginawa. Tingin niyang hindi siya dapat mamatay ngunit, kung ang ibig-sabihin nito ay itigil ang Pilosopiya, mas pipiliin niyang magpakamatay nalang. 
 

c. Anong mahalagang mga kaisipan at aral na iyong natutunan sa iyong karanasan ng panonood ng dulang ito? Paano makakatulong sa iyo ang mga kaisipan at aral na nabanggit sa iyong paglalakbay sa Pilosopiya at bilang isang Josephian?
     
     Sagot: Madami akong natutunan sa pagnood ng dula. Tinuruan ako ni Socrates na una sa lahat, ay saliksikin ang aking buhay, tinuruan niya akong laging maging bukas sa bagong kaalaman, at napatunayan niya ang pagmamahal niya sa Pilosopiya. Tinuruan ako ni Socrates na tignan ang lahat ng bagay sa lahat ng perspectibo, at hindi lang sa akin. Sa pamamagitan ng mga turo niya, ako'y lalaki bilang bukas na tao, bukas sa opinyon ng iba, na laging iisipin ang nararamdaman ng iba. 
     Bilang Josephian, matutulungan ako ng mga pagtuturo ni Socrates na maging mapagkumbaba sa aking mga kaklase, na kung may nahihirapan na iba sa larangan na magaling ako, matutulungan ko sila, at kung ako naman ay nangangailangan, maigi akong makikinig sa iba.


V. PLAY RATING: 5 STARS
- The play was spectacular. The cast's acting was amazing, the lighting was on-point, and the plot was remarkable. Ron Capinding portrayed Socrates so well that the short entertaining commercial he did snapped me back to my senses that he is only acting. I am more that honored to have been part of the audience that got to witness such a beautiful theater show.